Kelot nagbigti dahil sa kahirapan

bigti

KAHIRAPAN ang itinuturong dahilan kung bakit nagawa ng isang lalaki na wakasan ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa Barangay Tambler sa lungsod ng General Santos.

Ang biktima na kinilalang si Glen Alarcon, 39-anyos, walang trabaho, residente ng Purok Banualan ay natagpuan ng kanyang mga kapitbahay na wala nang buhay habang nasa loob ng kanilang bahay at nakatali pa ang leeg.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Emely, pangalawang beses nang ginawa ng biktima ang pagpapakamatay dahil umano sa kahirapan at walang trabahong mapasukan.

Bago ginawa ng biktima ang pagpapatiwakal, nagwala muna ito at may dalang itak. Dahil dito, umalis ang ina nito sa kanilang bahay at sa kanyang isang anak pansamantalang nanuluyan. Subalit laking gulat na lang nila nang magbigti ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply