Kelot nakialam sa away ng magnobyo, malubha

emergency-2

KRITIKAL ang kondisyon ng isang binata matapos saksakin ng kalugar nang makialam ito sa pag-aaway ng huli at nobya sa Caloocan City, kahapon, Enero 1.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Marvin Gonzales, 27 ng Phase 3F-1 ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Ace ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw, nagtatalo ang suspek at nobyang hindi na nakuha ang pangalan sa nabanggit na lugar na nilapitan ng biktima upang awatin.

Naasar si Ace sa pakikialam ni Gonzales kaya nagbunot ito ng patalim at itinarak sa biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek pagkatapos ng pananaksak habang dinala naman ang biktima sa JRMMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply