Kelot nanghabol ng taga sa Kyusi

crime4

ISANG lalaki na hinihinalang may diperensiya sa utak ang nanghabol ng taga sa Scout Santiago, Barangay Obrero, Quezon City.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Joyce Rambulon, 43, bigla na lamang umano siyang hinabol ng taga ng suspek na si Ricky Fernandez, 20, malapit sa kanilang bahay.

Ngunit mapalad naman itong mabilis na nakatakbo at nakahingi ng tulong.

Nabatid sa mga rumespondeng awtoridad na hindi makausap nang matino si Ricky kung kaya dinala ito sa mental hospital kung saan nakumpirmang may sakit sa pag-iisip ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply