Kelot natabunan sa hinuhukay na balon, todas

bangkay 2

PATAY ang isang lalaki makaraang matabunan habang naghuhukay ng balon sa Brgy. 28, Vintar, Ilocos Norte.

Nabatid na wala nang buhay si Aldrin Laorante, 29, at residente ng Brgy. 26 sa nasabing bayan, nang iahon ito sa balon na mismong hinuhukay niya.

Naiahon ang bangkay ng biktima makaraang magtulung-tulong ang mga residente at ng isang pribadong tao na nagpahiram ng heavy equipment pati na ang mga kasapi ng PNP Vintar.

Nabatid na buhay pa nang tinangka nilang iahon ang biktima ngunit habang hinihilang pataas ito ay biglang gumuho ang balon kaya’t nahulog ulit at tuluyan nang natabunan ng mga bahagi ng gumuhong balon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply