Kelot natagpuang patay sa bangketa

crime8

INAALAM na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng isang lalaki sa nakitang nakahandusay sa bangketa sa Caloocan City Sabado ng hapon, Enero 19.

Nakilala ang biktima na si Joselito Clemente, 33, ng PNR cmpd., ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon nang makitang patay na ang biktima sa bangketa sa Florencia st., 12th Avenue ng lungsod.

Nabatid na bago makitang patay ang biktima ay narinig pa ito na panay ang ubo.

Inaalam na ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Clemente dahil wala naman nakita ang mga pulis na palatandaan pinatay ang nasawi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply