Kelot patay, 3 sugatan sa pagsabog sa Valenzuela

crime9

NASAWI ang isang lalaki habang tatlo ang sugatan makaraan ang naganap na pagsabog sa Pilipinas Tire Rubber Corporation sa Barrio Ugong, Valenzuela City.

Nabatid na sumabog ang isang makina ng pagawaan ng gulong at naputulan ng paa ang nasawing si Bongbong Danding, 36-anyos.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatang sina Segundo Enriquito, 34-anyos; Medi Espinueva, 25; at Reynaldo Espinosa, 32.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mg awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply