Kelot patay sa kaalitang kapitbahay

crime8

INIWANANG bangkay ng isang security guard ang isang lalaki makaraang saksakin dahil sa alitan kaninang madaling araw sa Pasay City.

Patay na nang matagpuan ng mga residente dakong 12:45 ng madaling araw sa isang eskinita ang biktima na kinilalang si Marcial dela Cruz, nasa hustong gulang, residente ng No. 2561-D Barocan St., M. dela Cruz ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang suspek na kinilalang sa pangalang Robert Candido, kapitbahay ng biktima ay tumakas makaraan ang pananaksak sa biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Robert Lipumano ng Criminal Investigation Division, dakong 11:30 kagabi nang makita ng mga residente ang biktima at ang suspek na mainitang nagtatalo sa harap ng kanilang bahay.

Ilang minuto ang nakalipas nanahimik ang dalawa sa maingay na sigawan hanggang makita ni Brgy. Kagawad ng Brgy. 133, Zone 13, ang biktima na duguan na nakahandusay sa naturang eskinita at nakatarak sa leeg ang isang patalim.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng CID at tinutugis ang naturang security guard na pumaslang sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply