Kelot tepok sa tarak ng kapitbahay

bangkay

DEAD on arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang isang 33-anyos na lalaki na pinagsasaksak ng kanyang kapitbahay sa Tondo, Maynila, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Alex Ramos, binata, walang trabaho, tubong Zamboanga City at residente ng Area F. Bungad Isla Puting Bato, Tondo.

Itinuro naman ng isang kapitbahay na si Mark Nixon Soria, tinatayang 25 hanggang 28 anyos, na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Area F, Isla Puting Bato, Tondo, Manila.

Ayon sa isang Joey Fernandez, naglalakad siya sa nasabing lugar nang makasalubong ang biktima na sapo ang duguang dibdib dahilan upang isugod niya ito sa ospital.

Wala namang makapagbigay ng detalye sa pangyayari, maging ang nagsugod sa biktima sa ospital na si Fernandez.

Tanging isang residente lamang sa lugar na ayaw magbigay pa ng detalye ang nagsabing isang Mark Nixon Soria ang sumaksak sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply