Kelot tinarakan, tigok

bangkay

NAMATAY ang isang lalaki na natutulog sa folding bed makaraang tarakan sa dibdib ng isang di pa kilalang lalaki kaninang madaling araw sa Pasay City.

Tinangka pang isugod sa Pasay City General Hospital bunga ng isang tama ng saksak sa kaliwang dibdib ang biktima na kinilalang si Rogelio Lumpa, 32, binata, residente ng Brgy-186 Ext. 2345 Aurora Boulevard, Tramo ng naturang lungsod.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Mariano Pata Jr. ng Criminal Investigation Detective Management Section ng Pasay City Police, naganap ang dakong 12:15 kaninang madaling araw habang ang biktima ay mahimbing na natutulog sa folding bed sa harap ng kanilang bahay.

Ayon sa pahayag ng pinsan ng biktima na si Alison Lumpa, dumating ang isang di kilalang lalaki na armado ng patalim at sa ‘di malamang dahilan biglang inundayan ng saksak ang biktima sa dibdib.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima at inaalam na rin kung sino ang huling nakagalit nito na posibleng sumaksak sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply