Kelot todas sa ganti ng kapitbahay

crime8

PAGHIHIGANTI ang hinihinalang motibo sa pagpatay sa 37-anyos na lalaki ng kanyang kapitbahay na naunang inireklamo ng misis ng una sa barangay sa Tondo, Maynila  kagabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Jhonston Hospital si Raymund Tabacon, ng 1153 P. Soriano St., Tondo, Manila.

Tinutugis naman ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Dante Alcaraz, kapitbahay ng biktima, agad tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report, alas-7:00 kagabi nang naganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktima.

Bago maganap ang insidente, napag-alaman na inireklamo noong linggo ng misis ng biktima ang suspek kay Barangay Chairman Romy Ordiales ng Brgy 35 Zone 3 sa hindi pa nabatid na kaso.

Dahil dito, nang nagkita ang biktima at suspek sa paradahan ng motorsiklo ay sinita ito ng huli na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang barilin ng suspek ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply