Kelot tumalon mula sa 9th floor ng gusali sa Mandaluyong, tigok

crime5

NAMATAY ang isang lalaki nang tumalon umano ito mula sa ika-siyam na palapag ng isang gusali sa Cordillera street, Barangay Malamig sa Mandaluyong City kaninang umaga.

Nalasog ang katawan nang mahulog sa pinakabubong ng lobby ng GA Tower 1 ang di pa kilalang biktima, na tinatayang nasa 20-anyos dakong alas-7:00 ng umaga.

Batay sa unang nakalap na impormasyon, sinasabing nakaalitan ng biktima ang kanyang ina bago naganap ang insidente.

Sa ngayon, inaalam pa ng awtoridad kung may foul play sa umano’y pagpapakamatay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply