Kelot tumalon sa tulay, tepok

crime6

PATULOY na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Quezon City Police kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng isang lalaki na iniulat na tumalon sa tulay ng Mindanao Avenue, Quezon City.

Bukod sa pagkakabasag ng bungo, nagkalasog-lasog ang katawan ng lalaki dahil sa pagbagsak. Nasagasaan at nakaladkad din umano ito ng isang hindi naplakang Mitsubishi Montero.

Wala namang makitang pagkakakilanlan sa biktima maliban na sa kulay berdeng damit, pulang underwear at kalbo.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply