Kidnapper nadakip sa Caloocan City

behind-bars-3

NADAKIP ng mga pulis ang isang miyembro ng kidnap for ransom syndicate sa bisa ng warrant of arrest sa Caloocan City Martes ng umaga, Enero 29.

Nakilala ang suspek na si Mario Basangan, alyas Bogs, 36, ng Bamban, Tarlac at naninirahan sa Barrio Libis Baesa ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang madakip ang suspek sa harap ng Mini Stop sa G. De Jesus st., Bagong Barrio ng lungsod sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Branch 68, RTC ng Capas, Tarlac.

Nabatid na si Basangan ay sangkot sa pangingidnap sa nene na edad 11 noong taon 2008 sa Tarlac.

Pinakawalan ang bata matapos magbigay ng ransom money ang pamilya ng biktima hanggang sa masampahan ng kaso ang suspek na naging dahilan upang magtago sa Caloocan City.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis kung saan naglalagi si Basangan na naging dahilan upang magkasa ng operation hanggang sa madakip ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply