Kilabot na holdaper timbog sa Navotas

behind-bars-4

ARESTADO ang isang kilabot na holdaper na umaatake sa Malabon at Navotas matapos mambiktima sa Tangos, Navotas City, Martes ng gabi (Enero 29)

Kinilala ang naaresto na si Sonny Suarez y Justico, may asawa, walang hanapbuhay ng M Fernandez St. ng nasabing barangay, habang nakatakas naman ang kasamahan nitong si Acban Rosario, 25, kalugar ng una.

Kinilala naman ang biktima na si Enrico Pablo y Ayora, 23, pedicab driver, ng 144 M Domningo Tangos, Navotas

Ayon sa ulat dakong alas-10:00 ng gabi nagpanggap na pasahero ang mga suspek at pagsapit sa madilim na bahagi ng Wawa St., ay hinoldap ang biktima.

Habang nakatutok ang patalim ay hinablot ng mga suspek ang pitaka na naglalaman ng P400 saka mabilis na tumakas.

Agad na inireport ng biktima ang pangyayari at sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad ay nasakote si Suarez at nabawi isang patalim habang nakatakas si Rosario.

Napag-alaman na ang mga suspek ay responsable sa mga holdapan sa nasabing lugar partikular sa mga pasahero ng jeep.

Sinampahan si Suarez ng kasong robbery holdup o paglabag sa BP-6 at BP 880 at paglabag sa omnibus election code sa piskalya ng Navotas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply