Killers ng Maconacon mayor in-inquest na

domingo-killer

ISINAILALIM na sa inquest proceedings ang tatlong suspek sa pamamaril at pagpatay kay Maconacon, Isabela Mayor Erlinda Domingo.

Sa ulat, kasong murder ang isinampa laban kina Michael Domingo at Christian Pajinado, samantalang kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Drugs Law naman ang isinampa kay Mary Grace Abdulhadik.

Si Abdulhadik ay nakumpiskahan ng pinatuyong dahon ng marijuana at dalawang baril nang mahuli ng mga pulis,  misis ng isa sa sinasabing gunman sa kaso na kinilala lamang sa tawag na Bagwis. Si Bagwis ay nananatiling pinaghahanap ng awtoridad.

Nauna rito, sinabi ni Quezon City Police  Director Chief Richard Albano na nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay si Mayor Domingo bago naganap ang pagpaslang pero hindi pinansin ni Domingo dahil sa paniwalang wala naman siyang kaaway.

Sinisilip  ng mga awtoridad ang anggulong pulitika sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply