Kim Chiu bitter pa ba kay Gerald Anderson?

kim-chiu

BITTER pa nga ba si Kim Chiu sa ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson? Ano sa tingin n’yo?

Nalagay na naman sa hot seat si Kim ngayong nauugnay ang ex-dyowa niyang si Gerald sa kaibigan niyang si Maja Salvador.

Tila kadikit palagi ng pangalan ni Gerald ang pangalan ni Kim (baligtaran). Kapag may isyu sa isa ay agad na kinukunan ng pahayag o reaksyon ang isa.

Sa nasabing isyu hindi napigilan ni Kim na sabihin ang kanyang hinaing. “The press or the people keep on asking me if I’m fine. Of course, I’m doing fine! Ang tagal ko nang naka-let go and ayaw ko nang magpakatanga! Let’s be happy for them.”

Pero ang pinakapinag-uusapan ay ang pahayag ni Kim sa ugnayang Gerald-Maja.

“Nagulat ako, nabigla hindi ko ini-expect na mangyayari ang ganito. Bakit? Hindi naman ako bitter. Kung anuman ang nangyayari sa kanila, I’m happy for them. Pero parang nalungkot lang ako na ‘yong taong sinabihan ko noong time na down ako eh parang kinain niya lang ‘yong sinabi niya,” wika ng aktres.

Nagpaalam pa raw si Maja sa kanya kung okey lang na makipag-date ito kay Gerald.

Agad namang nilinaw ni Kim na hindi sila nag-aaway ni Maja na kasama niya sa seryeng “Ina, Kapatid, Anak”.

Wala rin aniya siyang pakialam kung mag-date ang dalawa. Taray!

Una rito, hindi naman dinenay ni Maja ngunit hindi rin niya kinonfirm kung niniligawan nga siya ni Gerald Anderson.

Say ng aktres ang aktor ang dapat tanungin tungkol sa bagay na ito.

Nagsimula ang issue sa dalawa nang lumabas ang larawan nila na nagde-date sa Albay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply