Kinalasan ng GF, binata nagpatiwakal

suicide-hanging

WINAKASAN ng 18-anyos na binata ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti makaraang hindi matanggap ang pakikipagkalas sa kanya ng nobya.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Christian Achacoso, residente ng Phase 1-B, Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:30 kagabi nang makitang nakabitin sa kisame ng kusina ang biktima ng kanyang tatay na si Crisanto, 37.

Agad na kinalag sa pagkakabigti ang biktima at dinala sa naturang pagamutan.

Nabatid na nakipaghiwalay ang nobya ng biktima na hindi na nakuha ang pangalan na naging dahilan upang wakasan ang sariling buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply