Knicks balik sa win column

anthony

BUMANGON mula sa dalawang lagapak ang New York Knicks upang gilitan ang San Antonio Spurs, 100-83 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Nagsanib puwersa sina star players, Carmelo Anthony at J.R. Smith na tumikada ng 23 at 20 puntos upang tapusin ang seven-game winning streak ng Spurs.

”They shot the hell out of it and I could see it wasn’t going to happen,” ani Spurs coach Gregg Popovich. ”Just too low on fuel and their defense was too good. Bad combination, and then they made shots, which makes it even worse.”

Sinahugan pa ni Anthony ng walong rebounds at tatlong assists habang si Smith ay may limang boards at tatlong assists upang ilista ng Knicks ang 22-10 win-loss slate.

”It wasn’t the first time, it’s not going to be the last one,” wika ni Spurs reserve Manu Ginobili. ”But of course we’ve got to give them credit because they forced us to not find anything easy, they made us really work.”

Dikitan pa ang labanan hanggang third canto subalit sa playoff period ay umalagwa na ang Knicks para manatili ang New York sa second spot sa Eastern Conference kung saan ay hawak ng defending champion Miami Heat ang top spot.

”That’s their scheme, to try to take me out of the game,” saad ni Anthony. ”Just a matter of us making shots when we swing the ball, and Novak, (Steve) made shots, J.R. kept his streak alive of playing good basketball, Pablo came in and led our team from the point guard position. Everybody contributed in their own way.”

Nakapag-ambag din sina Novak, Tyson Chandler at Amar’e Stoudemire ng tig-15, 10 at 10 ayon sa pagkakahilera.

Si Gary Neal ang top scorer para sa Spurs na may 12 pts. Habang ang ace players na sina Tim Duncan at Tony Parker ay may tig-11 puntos lamang.

Walong puntos naman ang inambag ni Ginobili.

Samantala, kinalmot ng Minnesota Timberwolves ang Denver Nuggets, 101-97.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply