Knicks binayong ng Nets

knicks

KUMADENA ng dalawang sunod na panalo ang Brooklyn Nets kaya dalawa o tatlo pang kabit na panalo ay aakyat sila sa top three sa Eastern Conference.

Dumayo ang Nets sa New York upang kaldagin ang Knicks, 88-85 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Bumira ng go-ahead jumper si Joe Johnson para ilista ng Nets ang 25-16 win-loss slate at malasap naman ng Knicks ang pang-14 na kabiguan sa 39 laro.

May seryeng 2-2 ang Nets at Knicks ngayong eliminations at mababasag lang ito kung sakaling magharap sila sa playoff.

Hawak ng Miami Heat ang top spot sa EC na may 26-12 baraha, nasa pangalawang puwesto ang Knicks at pangatlong puwesto naman ang Indiana Pacers tangan ang 26-16 karta.

Nakakuha naman ng suporta sa opensa si Johnson mula kina All-Star member Deron Williams at center Brook Lopez ng tig 14 puntos.

Nanahog pa ng 12 assists si Williams habang 11 rebounds naman ang kay Lopez.

Si Anthony ang umarangkada sa opensa ng Knicks matapos bumira ng 29 puntos at pitong assists habang 16 pts. at apat na boards naman ang ginawa ni J.R. Smith.

Samantala, ligwak na naman ang Los Angeles Lakers matapos silang suwagin ng Chicago Bulls, 95-83 habang sinilat ng Golden State Warriors at Los Angeles Clippers, 106-99.

Sa ibang kaganapan, tinalo ng San Antonio Spurs ang Philadelphia 76ers, 90-85 habang dinagit ng Atlanta Hawks ang Minnesota Timberwolves, 104-96.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply