Konsehal todas sa ambus, bodyguard grabe

crime5

PATAY sa pamamaril ang isang city councilor ng San Pablo City, Laguna habang kritikal naman ang bodyguard nito nang tambangan ng dalawang armadong kalalakihan nitong Miyerkules ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan si City Councilor Edgardo Adajar habang kritikal naman ang security aide nitong si Ronaldo Leonado.

Wala pang ideya ang San Pablo Police Office kung sino ang nasa likod ng krimen at ang motibo sa pagpatay kay Adajar.

Sa ulat, naganap ang insidente alas 4 nitong Miyerkules ng hapon  sa tapat mismo ng isang cockpit arena na nasa Barangay San Jose, San Pablo City.

Bago ito, nabatid na kalalabas pa lamang ng mga biktima sa nasabing cockpit arena nang pagbabarilin ng dalawang suspek na nag-aabang sa kanilang paglabas.

Ayon sa mga testigo, hindi na nakapagpaputok pa si Leonado dahil pareho silang tinarget agad ng mga suspect.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply