Konsensya, hindi magic endorsement ang gamitin sa pagboto

juan-de-dios-pueblos

IGINIIT ni Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos na hindi magic touch endorsement, kundi konsensiya ang dapat na gamiting panuntunan ng mga botante sa pagpili ng mga kandidatong iluluklok sa puwesto sa halalan sa Mayo 13.

Reaksiyon ito ni Pueblos sa pahayag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na mas may bigat ang gagawing pag-endorso ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III kumpara kina dating pangulong Joseph Estrada at Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Pueblos, hindi tamang gawing basehan ang mga pag-endorso ng sinuman  sa pagboto sa isang kandidato dahil hindi naman ito batayan kung mabuti nga ang isang pulitiko o hindi.

Aniya, dapat na pag-aralang mabuti ng mga botante ang isang kandidato at iboto ang mga ito ayon sa konsensiya upang maisalba ang heritage ng bansa.

“That’s right, we should study the person. We should vote according to your conscience, let us save our country’s heritage,” ayon pa kay Pueblos.

Samantala, para naman kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, walang silbi ang “magic touch endorsement” ng sinuman, maging ng pangulo, para manalo ang isang kandidato sa halalan sa Mayo.

Iginiit ni Arguelles na kahit malaki ang suporta ng pangulo sa kanyang mga kandidato ay wala namang ‘magic touch’ dito, tulad ng iginigiit ng Liberal Party.

Ayon kay Arguelles, ang magic sa halalan ay wala sa endorsement ng Pangulong Aquino o sinuman sa isang kandidato, kundi nasa pera at makinarya ng mga ito.

Naniniwala rin ang arsobispo na gagawin at gagamitin ng administration party ang lahat maipanalo lamang ang kanilang mga kandidato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply