KOOP GAMIT SA SMUGGLING

bong_padua1

ANG dami palang kabulastugang nangyayari sa BOC. Akalain mong pati pala kooperatiba ay nagagamit na sa rice smuggling. Again! Kung hindi umiiral ngayon ang ‘tuwid na daan’ sa Aduana, baka ‘di  nalaman ni Comm. Ruffy Biazon ang ganitong modus.

Buking ang mga bumubuo ng apat na kooperatiba sa kanilang gawain kaya pinakasuhan sila ni Biazon sa korte. Nararapat na banggitin natin ang mga !@#$%^&&%$#! ito at kinaanibang kooperatiba para malaman ng sambayanan ang kanilang katarantaduhan.

Kinasuhan ang Kapatirang Takusa Multi-Purpose Cooperative Directors na sina Orlando Manimbot, Juanito Mangilit, Joseph Guevarra, Alfredo Manimbo, Tommy Navarro, Jaime Bitangcol at Efren Bulaon. Sila’y consignee ng 21,000 bags of rice na nagkakahalaga ng 25,200,000.00.  Bukod sa walang  required import permit, may rice quota allocation balance lamang ang Kapatiran na 19,000 bags. Klaro na nagtangka itong magpalusot ng 2,000 sako ng Vietnam rice.

Kinasuhan din ang mga opisyal ng Ugnayan Magbubukid ng San Isidro Cooperative na sina  Emily Alabado, Christopher Hernandez, Editha Alabado, Teresita Manlastas, Arly Guevarra, Luciano Alabado at Santiago B. Francisco. Consignee ito ng 21,000 bags ng hot rice na ang halaga’y P25,200,000.00 pero ang imported rice allocation quota balance lamang dapat nito ay 6,800 bags of rice.

Sabit din ang Malampampang Concerned Citizens Multi-Purpose Cooperative  kaya kinasuhan sina Cipriano Evangelista, Ernesto Gonzales, Guillermo Marcelo, Edgardo Evangelista, Henry Ochoco, Milagros Pelayo, Nelson Evangelista, Arden Evangelista and Jessie de la Cruz  bilang mga opisyal na consignee ng 18,000 bags ng illegally imported rice (P21,600,000.00) gayong ang rice importation quota allocation balance lamang ay 6,900 bags.

Ang Samahang Magsasaka Kapampangan at Katagalogan Multi-Purpose Cooperative officers na sina Maximo Hernancez, John Ray Retobado, Ponciano B. Hernandez, Dominador P. Lalu, Felipe A. Mangilit, Michael Manliclic at Danilo Santos ay kinasuhan din sa pagpupuslit ng 4,000 sako ng Vietnam rice. Buti nga sa inyo.

TULOY ANG LIGAYA SA BATANGAS

Tuloy ang STL – bookies nina Jun Ocampo, Teryo, Kanor, Dano, Kancio, Ed Villanueva, Obet Malabanan at Angel sa Tanauan. Mayor Sonia Torres Aquino, kilosssss.

Mayor Tiquio, ‘di mo mapahinto sina Virtucio, Ineo at Indo. Sa San Pascual at Bauan Mayor Antonio Dimayuga at Mayor Ryan Dolor, namamayagpag sina Nene at Minda.

Ganundin sina Nelson at Fress sa bayan ni San Juan Mayor Rodolfo Manalo. Mabini Mayor Nilo Villanueva gisingggg, alaeee lantaran ang jueteng ni Oslo at Sto. Tomas Mayor Atong Federico ‘di mo maawat sina Alex, Jojo, Mario at Lito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply