Korean Embassy, hindi rin nakaligtas sa ligaw na bala

crime-gun

PINAIIMBESTIGAHAN ni Southern Police District chief, Police Superintendent Benito Estipona ang insidente ng stray bullet na tumama sa gusali ng Embahada ng Korea sa C5 Road, Taguig City.

Ayon kay Estipona, bukod sa halos sampung indibidwal na naging biktima ng indiscriminate firing sa kanyang nasasakupan, may naitala rin silang kaso ng stray bullet na nangyari sa ikalawang palapag ng Korean Embassy, na tumama sa pader. Maswerte namang walang nasugatan sa pangyayari.

Sinabi ni Estipona, na nito lamang nakalipas na Huwebes naireport sa kanila, o tatlong araw makalipas ang Bagong Taon, matapos na marekober ang isang slug o tingga ng isang kalibre .45 baril sa compound ng nasabing embahada.

Ipinasama na ni Estipona sa priority list ng mga iniimbestighan ng kanyang binuong Special Investigation Task Group ang insidente upang alamin kung saan galing ang bala.

Sa talaan ng SPD, 4 ang biktima ng ligaw na bala sa Pasay, 4 sa Taguig, 1 sa Paranaque, at 3 slug ang narekober na tumama sa bubong ng mga residente sa area ng Parañaque City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply