KOTONG COPS AT SALBAHENG DRIVER

lily's-files-lily-reyes

BIBIGYANG-DAAN muli ng Lily’s Files ang ilan sa  tambak na text messages at  mga nag- email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at proteksyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE,  iyon po  ang mga  nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD am, Ms. Lily Reyes. Nabasa ko po ang Lily’s Files Column mo sa Remate, dated Jan. 24, 2013 kaya naglakas loob akong mag-text sa inyo.

Vendor din po ako rito sa Morayta, Manila. Pareho  rin po ang problema namin dito.

Kasi mga pulis din po ang nangingikil dito sa amin ng tig-P20 bawat isa. Apat po silang pulis na kapag hindi namin nabigyan ay huhulihin kami at dadalhin ang aming mga paninda.

Pag nasa kanila na po ang aming mga paninda ay ipatutubos naman nila sa amin kaya doble-doble po ang  kinikita nila sa aming mga vendor. Sana po ay matulungan ninyo kaming maiparating sa kanilang hepe ang  ginagawa nila sa amin. Salamat po at more power.

GOOD pm, Ma’am Lily. Ukol po ito sa may tatak na PY5847 FAWTODA sa terminal ng traysikel sa 5th Avenue.  Masyadong mayayabang sila. Nang naiwan  ang grocery ko kasalanan ko raw, tanga raw ako.

Tama bang sagutin ang pasahero ng ganoon? Walang body number ‘yung tricycle.

Siguro kolorum. Dapat po hulihin ‘yang mga ‘yan  dahil salbahe sila sa mga pasahero.

Sana po ay magawan ninyo  ng aksyon  ang mga ganitong uri ng driver. Maraming salamat po at more power.

GOOD day, Lily’s Files.  Pakitawagan naman po ng pansin ang Metro Manila Development Authority at ang traffic enforcers ng Quezon City. Mga bus  na nagbababa at nagsasakay ng pasahero sa Q-Mart  ay nakabalagbag.

Walang pakialam ang traffic enforcers at taga- MMDA kahit nakikita na nila  kung papaano harangan  ng mga bus ‘yung mga kasunod nilang sasakyan. Maraming salamat po at mabuhay kayo riyan sa Remate.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang sa  09155683000 at 0908-7230-036 o kaya ay mag email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply