KOTONG COPS, ILLEGAL RECRUITER AT MEAT SHOP

benny antiporda

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na mailabas ng ating mga tagasubaybay ang kanilang mga hinaing, paniniwala, kaisipan at marami pang iba.

Hinihiling natin sa mga kinauukulan na tugunan nila at hindi isnabin ang mga hinaing, sumbong at iba pa ng ating mga mambabasa at mamamayan na rin.

ILLEGAL RECRUITER

Allan Chua Garbozo, Cecille Yabot alyas Cez Tan, Leony Laforteza, ng Tondo, Manila at isang Allan at Raffy na marketing officer at financier ng Javier International Manpower Services, ng 5fth Floor, Sinagoga Building, Sinagoga Street, Malate, Manila, ang nagpaasa sa amin na makaaalis papuntang Guam. Nabaon kami sa mabigat na pagkakautang para may maipambayad lang ng placement fee. Bigla na lang silang naglaho at nawala. Pakitugis ang mga salarin na manloloko. Si Garboso ang boss nila. Help us please. 0905732….

REAKSYON SA PANGHUHULI

Marami po ang nagrereklamo sa mga nanghuhuli sa kalsada. Kung sinusunod po sana nila nang tama ang batas, hindi po sila huhulihin. 0948886….

KOTONG COPS SA TAGUIG

Alam mo, Sir Benny. Tama ka riyan sa puna mo sa mga kotong cop. Grabe na po ang kapal ng mga mukha nila. Dito nga po sa Block 5 sa Brgy. Ibayo Tipas, Taguig City, ang mga pulis ay grabe pong dumilihensiya. Kada 9:00 am lalabas po sila ng presinto, manghaharang ng single na motor. Pag may violation dapat po talagang hulihin. Eh, kaso wala naman po silang pan-ticket. Kaya ang gagawin nila, papapasukin nila ang pobreng motorista at maya-maya, paglabas, aalis na ang hinuli. Kasi P100 to P150 ang hinihingi nila. Kapal talaga. Tapos uulitin nila ng 11:00 am at 3:00 pm. Pag nakahuli ng 5 motor, tumitigil sila kasi may pangkain na ang mga demonyong ito. Nakaaasar po talaga. 0939218….

CHECKPOINT AT HOLDAPAN

Good am, Sir. Dito sa PCP Blumentritt sa pamumuno ni P/Insp. Morata, ng MPD 3, ng Maynila, ang Checkpoint ay nasa madilim na lugar sa tapat ng North Cemetery at madalas ding may holdapan dito sa mga pampasaherong dyip. Walang aksyon si Lt. Morata. Sana maaksyunan po ito. Matagal na siya ritong naka-assign. Wala na ngang nagagawa, overstaying pa po siya. 0939589….

KOLORUM SA PANGASINAN

Sir, gusto ko lang ipaalam sa kinauukulan na maraming kolorum na van dito sa Manaoag, Pangasinan na may biyaheng Manaoag-Dagupan. Unfair naman po sa aming may mga yellow plate. 0929397….

MEDICAL AT IBA PANG TULONG

Nangangailangan po kami ng medical assistance at blood donor ng Type AB na dugo. Sa nagnanais po na gustong maghandog ng kaukulang tulong ay maari po kayong magsadya rito sa medicine ward ng ospital. Pati po financial. Kung maaari po sana, siya po ay taga-Del Pilar, Castillejos, Zambales. Nais rin po sana naming ipaalam sa inyo na dumulog na po kami sa Barangay Del Pilar, Castillejos para humingi po ng indigent certificate pero hindi po kami binigyan ng certificate. Ganyan po sila karamot. Dapat po itong maimbestigahan ng media at dapat puntahan ninyo. Biro ninyo, kabarangay nila ang humihingi ng tulong sa kanila pero hindi nila tinulungan. Kaya po, sana sa pamamagitan ng inyong kolum sa diyaryo na ito ay maiparating ito sa mga kinauukulan. Kung maaari po sana, makatulong din ang ibang media sa amin. Ipinaaabot po namin ang aming pasasalamat sa inyo. 0928871….

BAKIT BA SILA NANGONGOTONG?

Good eve po.
Ask ko lang, bakit kino-kotongan ang ibang tao ng mga pulis? 0942458….

MABAHONG MEAT SHOP

Hi, po. gusto ko lang po sanang ireklamo ‘yung MEAT SH0P 5, J ENTERPRISES dito sa Daet, Camarines Norte. Kasi ang baho-baho ng shop nila. Baka po kasi makaapekto sa kalusugan ng tao ito. Kahit nga po sa labas pa lang, amoy na ang baho sa loob. Nangangamba po ako at baka bocha ang karne na itinitinda nila. Salamat po. Pls. don’t publish my number. 0930727….

JEEP PERHUWISYO

Good pm po sa inyo.
Sana po patuloy ninyong bulabugin itong Bgy. 131, Kalookan City sa may Agudo St. na pinamumunuan ni Chairman Boy Saudi. Grabe ang perhuwisyong dulot ng mga pampasaherong jeep na pag-aari ng nagngangalang Richie. Halos wala nang maraanan dahil ginawa na nilang garahe ang magkabilang kalye. Pinagmumulan tuloy ito ng away. Bakit hindi ito mapaalis ng mga opisyal ng Bgy. 131 dito sa Barrio San Jose. May malaki bang lagayan? Muli, hihingi po kami ng tulong sa inyo na kung kanino namin puwedeng idulog ang hindi pagbibigay ng solusyon ng aming inirereklamong mga Chairman ng Bgy. 130 at 131. Sa Department of Interior and Local Government po ba o sa Mayor? Sana’y matulungan n’yo po kami sa bagay na ito. Salamat po. 928253….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply