Kotse sumalpok sa trak sa Marikina, 1 sugatan

SUGATAN ang driver ng isang kotse makaraang bumanggga ito sa likod ng isang trak na may kargang aspalto sa Marikina City.

Batay sa report ng MMDA Mega base, ang insidente ay naganap bago umakyat ng Macapagal Bridge sa bahagi ng Barangay IBP kaninang umaga.

Wasak ang unahan ng bagong puting Innova at sugatan ang sakay nito na nakilala lamang sa pangalang Dr. Lee, na residente ng Vermnont Park.

Sinasabing matulin ang takbo ng biktima kaya hindi na nito nagawang makapreno at nasalpok ang puwitan ng trak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply