Krimen sa bansa dahil pa rin sa kahirapan

crime7

NANINIWALA ang isang pari na hindi stable ang peace and order situation sa bansa dahil na rin sa mga krimen na nagaganap sa bansa na may kinalaman sa baril.

Ayon kay Solidarity Philippine at Kontra Daya convenor Fr. Joe Dizon, bilang reaksyon sa sunud-sunod na krimen na may kinalaman sa paggamit ng baril.

Ayon kay Dizon, nakakalungkot ang ganitong pangyayari sa bansa, lalo na at tiyak aniyang madaragdagan pa ang mga krimen dahil nalalapit na ang eleksyon sa Mayo 13.

Naniniwala naman ang pari na kahirapan pa rin ang pangunahing dahilan kung bakit laganap ang mga krimen laban sa mga ari-arian at indibidwal, na taliwas aniya sa ipinangangalandakan ng pamahalaan na gumagandang ekonomiya ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply