KTV bar operator, cashier, dakip ng CIDG

behind-bars-2

LUCENA CITY – Naaresto ng ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Martes ang maintainer at cashier ng videoke bar dahil sa trafficking of women at na-rescue ang tatlong batang entertainers sa Barangay 4, sa lungsod na ito.

Kinilala ni CIDG-Quezon provincial officer Chief Insp. Joel de Mesa ang mga suspek na sina Renato T. Egos, 41, ng lugar na iyon at Ruth Mabao, 22, ng Barangay Tabon, Bislig City, pawang maintainer at cashier ng Beermuda KTV Bar.

Sinabi niya na ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa prostitusyon sa ilalim ng Oplan Nena na isa sa mga flagship program ni CIDG Director Samuel Pagdilao, Jr.

Sa kanyang report sa CIDG-Calabarzon regional officer Senior Supt. Bernabe Balba, sinabi ni De Mesa na ang pagkakaaresto ay nangyari dakong ika-10 ng gabi habang ang isang batang entertainer ay aktong nakikipagtalik sa CIDG agent na nagpanggap na customer sa loob ng Halina Hotel Lodge, sa lugar din iyon.

Bago pa ang pagkakaaresto, sinabi ni De Mesa na ang kanyang mga tauhan na pinamumunuan ng kanyang deputy, Senior Insp. Francis Aldrich Garcia ay nagtungo sa nasabing bar na pagmamay-ari ng kapatid ng suspek, si Romulo Egos, at nagpanggap na mga customer upang ma-verify ang napaulat na ang lugar ay nagsisilbing prostitution den.

Sinabi pa ni De Mesa na ang tatlong batang entertainer ay lumapit sa kanyang mga tauhan at nag-alok sa kanila ng pakikipagtalik na may bayad. Tinanong ng mga ahente kung magkano ang halaga, aniya, isa sa mga babae na kinilalang si Rose Ann (di-tunay na pangalan),  ay nagsabi na Php1,000 bawat isa sa kanila ay pwede na.

“Sinabi nila na ang pera ay dapat ibigay muna sa bar cashier, Ruth Mabao, bago sila mailabas”, wika ni De Mesa.

Sa plano, isa sa mga ahente  ang mag-aabot ng marked money na php1,000 kay Babao bago pa umalis sa bar na kasama ang isa sa mga babae. Ang dalawa ay magtutuloy sa hotel, sabi pa ni De Mesa.

Habang nakikipagtalik, dalawa sa mga ahente ng CIDG agent na sina, SPO4 Nelia Lamac at PO2 Donaldo Moratalla ay papasok sa kuwarto at kukunan ng litrato ang aktuwal na nangyayari, sabi pa niya.

“Sa parteng iyon, ang iba pang ahente ng CIDG na nasa bar ay agad na aarestuhin ang mga suspek at ililigtas ang tatlong iba pang entertainers”, sabi ni De Mesa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply