Kudeta sa Senado, minaliit ni Belmonte

belmonte1

MINALIIT lamang ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang balitang pagpapatalsik kay Senador Juan Ponce-Enrile bilang Senate President.

Ayon kay Belmonte sa huling pagpupulong ng liderato ng Kamara at Senado ay nakita niyang kumpiyansa at komportableng nagtatrabaho sina Enrile gayundin sina Senate Majority Leader Tito Sotto at Asst. Majority Leader Gregorio Honasan.

“No, not at all I don’t expect that to happen. Si  Senate President is very comfortable so as Sen. Tito Sotto and Greg Honasan the Asst. Majority Floorleader. (They are) very comfortable and they are not worried of anything,” sinabi pa ni Belmonte.

Samantala, kinumpirma rin ni Belmonte na hindi kabilang sa pitong panukalang batas na napag-usapan sa naturang pagpupulong ang ukol sa Freedomn of Information bill.

Ayon sa speaker, may anim hanggang pitong panukalang batas na nakabinbin sa Kamara at Senado ang natalakay na dapat ng isailalim sa deliberasyon sa loob ng nalalabing ilang araw na sesyon.

Ngayong hapon ay malabo, aniyang, maisingit sa deliberasyon ang FOI dahil wala naman ito sa agenda ngunit bukas ay kasama itong matatalakay.

“The FOI is pending solely in the House and it will put on the agenda tomorrow, it is not in the agenda now. But tomorrow morning there will be a meeting of the rules committee and they will vote to put it on the agenda and in the afternoon it can be sponsored,” sinabi pa ni Belmonte.

Tiniyak din ng speaker na magsasagawa ng text brigade ang secretariat upang matiyak na dadalo ang mga kongresista bukas.

Binanggit pa ni Belmonte na kabilang sa mga nakabinbing panukala na napagkasunduang aksyunan ay ang Human Rights Compensation bill at ang Anti-Thrust bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply