Kumpiyansa ang Pag-IBIG na mananaig ang katarungan

hilda-online-logo

Ang Makati City Regional Trial Court ay nagdeklara na ng kanyang pinal na pagpapatupad ng desisyon sa kasong sibil (civil case) na inihain ng Globe Asiatique laban sa PAG-IBIG Fund.

Ayon sa ipinalabas na utos ng Court of Appeals  “kahit na mapagpasyahan man o hindi ng HDMF at mapilitan na tanggapin ang mga kapalit na buyers na iniaalok ng Globe Asiatique (GA) ay matibay pa rin ang kasalanan ni Lee sa estafa charge laban sa kanya.”

Nilinaw din ng Court of Appeals  na “napatunayan mula sa Globe Asiatique( GA) na sa lahat nang ito ang mga aplikante na ang mga loan na preprocess at approve na para sa housing loans ay dati nang mga buyer sa real estate at ang mga aplikante ay kwalipikado na mag-loan mula sa HDMFs housing program.

Nakatuon kung gayon ang kasalanan ni Lee sa kung ang naturang mga warranties o pwedeng mabigyan ng loans ay nasira ang kontrata. Una pa rito si vice president Jejomar Binay na siyang namumuno ng Pag-Ibig Fund board of trustees ay nag-utos sa fund na magkaroon ng pansariling nararapat na legal remedies.

“Ipagpalagay nang magkaroon ng baligtad na desisyon ang PAG-IBIG ay magkakaroon ng nararapat na legal remedies upang maitanong ang parehong tanong sa mataas na korte (higher courts)”, dagdag pa ni Pag-Ibig Fund Chief Executive Officer Atty. Darlene Marie Berberabe .“

Ang pasya sa mga problema sa civil case na ito ay malayo pa sa pagiging pinal para sa pagpapatupad.

Kumpiyansa ang Pag-Ibig na sa bandang huli mananaig pa rin ang katarungan (justice), mananatili tayong laging handa at maingat upang protektahan ang fund at mga kaanib nito”.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply