Labi ni Stephanie Nicole Ella, ililipat mamaya sa Tala Elementary School

ILILIPAT ngayong umaga ang mga labi ni Stephanie Nicole Ella sa kanilang paaralan sa Tala Elementary School sa Caloocan City.

Gagawin ito bandang alas-8:30 ng umaga na magkakaroon din ng maikling programa bago isagawa ang paglilipat.

Kaugnay nito, handang magbigay ng seguridad ang pamunuan ng Caloocan-Philippine National Police (PNP) para sa pangangalaga ng pamilya Ella.

Ito ay matapos na matukoy ng NBI ang responsable sa pinaputok na ligaw na bala na nakapatay kay Stephanie.

Ayon kay Caloocan Police Chief Senior Supt. Rimas Calixto, dumulog sa kanila ang tiyuhin ni Stephanie na si Marvin Ella at sinabing may riding in tandem na umaaligid sa kanilang bahay.

Nabatid pa na umabot pa sa puntong tumigil sa harapan ng kanilang bahay ang naturang riding in tandem at sinabi na mag-ingat sila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply