Lakers natisod sa Raptors

lakers

LUGMOK na naman ang Los Angeles Lakers matapos silang yumuko sa Toronto Raptors, 103-108 kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Bumira ng season-high 18 points at 10 rebounds si Raptor forward Landry Fields upang malasap ng Lakers ang pang 23 na kabiguan sa 40 laro.

Tumikada si Kobe Bryant ng 26 puntos, limang assists at apat na rebounds habang si pau Gasol ay nag-ambag ng 25 pts. at limang boards subalit hindi pa rin sumapat upang pasanin ang naghihingalong Lakers.

”We’ve got a lot of issues,”wika ni laker coach Mike D’Antoni. ”Offensively the ball sticks and we don’t take very good shots. Defensively, ups and downs, we forget guys.”

Pinatalsik ng referees sa palying court si Laker star center Dwight Howard matapos mapataw ang ikalawang technical foul.

Hindi naman nagustuhan ni Bryant ang tinawag ng referee sa kakampi niyang si Howard na nakipagtulukan sa isang rebound play.

”I really don’t agree with that one at all,” sabi ni Bryant. ”What’s a player supposed to do? A guy cuts in front when he’s trying to walk back up the court. An official told me he should just walk away. I said, ‘Which direction? Should he just turn around a just walk to the bench?”’

Si Jose Calderon ang nanguna sa opensa ng Raptors na may 22 puntos at siyam na assists habang si Ed davis ay kapareho ng marka ni Fields.

May 15-26 win-loss na ang Raptors at nasa pang-10 puwesto sila ng Eastern Conference.

Samantala, nanaig ang Denver Nuggets sa overtime game laban sa Oklahoma City Thunder, 121-118 habang nasilat ng Detroit Pistons ang Boston Celtics, 103-88.

Nagwagi naman ang Dallas Mavericks sa Orlando Magic, 111-105.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply