Lalaki nagbigti sa Kyusi

suicide-hanging

ISANG 32 anyos na lalaki ang nagbigti matapos hindi makayanan ang kinakaharap na problemang personal sa Quezon City kaninang madaling araw Enero 20, 2013 (Linggo)

Kinilala ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima na si Roderick Echalas, may-asawa, walang trabaho ng Rosal St., Botanical, Brgy. Central, QC.

Ayon kay SPO4 Jun Mortel ng QCPD-CIDU natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito sa Rosal St., Botanical, Brgy. Central, QC dakong 1:00 ng madaling araw kanina.

Sinabi sa ulat na natagpuan ang bangkay ng biktima ng mga naglalarong bata habang nakabitin sa haligi ng kanilang bahay at nakapulupot ang isang nylon cord sa leeg nito.

Agad ipinagbigay alam ng mga bata sa mga kapitbahay ng biktima ang kanilang natagpuan na itinawag naman sa mga awtoridad.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply