Lalaki ‘sinuwag’ ng taxi sa QC patay

hitandrun

PATAY ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang “suwagin” ng taxi habang tumatawid sa kahabaan ng  Colonel  Boni Serrano  Avenue, Brgy. Bayanihan,

Quezon City kaninang madaling araw  Enero 3, 2013.

Inilarawan ang  biktima na  nasa  edad  35  hanggang  40, itim ang  buhok,  kayumanggi  ang kulay, naka-puting  t-shirt  at  itim na short.

Idineklarang dead  on arrival  sa  East  Avenue  Medical Center  ang biktima matapos isugod sa  naturang ospital.

Ayon sa  ulat  ni PO3  Perlito Datu  traffic  investigator  ng Quezon City District Traffic  Enforcement  Unit Traffic Sector 3, naganap ang insidente dakong 1:00 ng madaling-araw  kanina sa tapat ng no. 323  Colonel  Boni Serrano  Avenue, Brgy.  Bayanihan , QC.

Sinabi  sa ulat na tumatawid  ang biktima  sa naturang lugar  nang salpukin  ng  hindi naplakahang  taxi .

Matapos  ang insidente  tumakas  ang  suspek  at  iniwan  ang duguang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply