Landlady pinagkakalmot ng pinalayas na boarder

crime-fugitive

KULONG ang isang bebot nang pagkakamultin ang kanyang landlady nang paalisin sa kanyang inuupahang kuwarto nang hindi makabayad sa Caloocan City kaninang umaga.

Kinilala ang suspek na si Abby Soria, 22 ng PNR cmpd., ng lungsod.

Kalmot naman sa pisngi at braso ang inabot ni Analyn Laure, 24 ng nasabing lugar.

Nabatid na alas-10 ng umaga, kinausap ng biktima ang suspek na umalis na sa inuupahang kuwarto matapos mabigong makabayad ng upa.

Nagalit ang suspek at sinugod  ang kasera na nakatakbo at nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod bago ipinaaresto ang suspek at dinala sa presinto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply