Leeg ng bayaw winakwak ng naasar na sekyu

crime3

TILA manok na kinatay ng isang security guard ang kanyang bayaw nang gilitan  ng leeg at sinahod pa sa planggana ang sumisirit na dugo nito matapos mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang diskusyon kagabi sa Pasay City.

Patay na nang matagpuan ang biktimang si Marcial dela Cruz, nasa hustong gulang, ng 2561-D Barocan St., M. Dela Cruz sa naturang lungsod kung saan natagpuan itong wakwak ang leeg at ang kalahati pa ng patalim ay naiwan sa kanyang leeg.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Roberto Candido, nakatira rin sa naturang lugar, makaraang agad itong tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation Division ng Pasay police, bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay narinig ng kanilang mga kapitbahay ang pagtatalo ng magbayaw sa hindi pa mabatid na dahilan.

Ilang minuto makaraan ang mainitang pagtatalo ay nakita na lamang ng ilang saksi si Candino na nagmamadaling umalis ng kanilang tirahan hanggang matagpuan ang bangkay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply