Legal assistance fund ng OFWs pinadaragdagan

rep-jv-ejercito

DAGDAGAN pa ang legal assistance fund (LAF) ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nahaharap sa mga kasong kriminal sa ibang bansa. Ito ang panawagan ni San Juan City Rep. JV Ejercito Estrada kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ang apelang ito ni Ejercito ay kasunod ng ulat na may 3,000 OFW sa iba’t ibang bansa ang nahaharap sa mga kasong kriminal gaya ng mga immigration-related cases, murder, theft, at drug trafficking.

Sa China lamang ay may 78 Filipino aniya ang nakabilanggo dahil sa kasong drug trafficking at naghihintay ng sentensya.

Tinukoy pa ng kongresista na sa taong ito ay nasa P60 milyon ang legal assistance fund na maaaring gamitin ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kaso ng mga OFW sa may 68 host countries.

“I cannot imagine the fact that our OFWs whom we refer to as the ‘modern-day heroes’ are getting less out of their contribution to our country,” ayon kay Ejercito Estrada.

“If not for the remittances of these hardworking OFWs, our economy could have been in the red. And, yet, the present government seems lukewarm in attending to their needs, especially in terms of providing legal assistance to those who are locked in legal battle in their respective host countries,” giit pa ni Estrada.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 10022 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, ang gobyerno ay may obligasyong maglaan ng P100 milyon para sa legal services sa mga migrant workers at overseas Filipinos na may kaso.

Sa halagang ito, ang P50 milyon ay manggagaling sa Contingency Fund ng presidente, P30 milyon ay sa Contingency Fund ng President Social Fund, at ang P20 milyon ay magmumula naman sa Welfare Fund for Overseas Workers. Ang karagdagang P30 milyon ay magmumula naman sa General Appropriations Act.

Kung bubusisiin lamang ayon kay Estrada ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ay lumalabas na umaabot sa P1 bilyon ang membership contribution ng mga OFW na nagmumula naman sa bayad na $25 sa tuwing aalis ang isang OFW.

Sa buong 2012, ay tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang remittances na $24 bilyon, o nangangahulugan ng 19.4 porsiyentong mas mataas sa remittances ng nagdaang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply