Libing ni Pepe Pimentel, sa Martes na

pepe

WALANG tigil pa rin ang pagdating ng mga nakikiramay sa bahay ng namayapang komedyante na si Jose “Pepe” Pimentel sa Quezon City.

Ang mga abo ni Pimentel na nakalagay sa isang urn ay nakaburol sa bahay nito sa Scout Tuazon St., sa Barangay Laging Handa, Quezon City matapos i-cremate.

Maging ang ilang celebrities ay nagbigay din ng pagpupugay sa dating “Kwarta o Kahon” host tulad ni singer-actor na si Ogie Alcasid, na nagsabing maraming natulungang artista ang batikang TV host.

Samantala, itinakda naman sa Martes ang paghahatid kay Pimentel sa huling hantungan nito.

Pero bago ito ay ilipat ang abo nito sa Pinaglabanan church sa San Juan City at pansamatalang ilalagak doon. Hindi naman nalaman kung bakit idinaan pa ang labi nito sa nasabing simbahan

Si Pimentel ay pumanaw noong Huwebes makaraang inatake sa puso habang naliligo at nabagok ang ulo sa banyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply