Libo-libong deboto dagsa na sa pahalik

pahalik

LIBO-LIBONG deboto ng Black Nazarene ang dagsa na sa Quirino Granstand para sa tradisyunal na pahalik taun-taon.

Nabatid na magsisimula ang pahalik ngayong ala 1:00 ng hapon kung saan ang pila ay  halos umabot na sa Roxas Blvd. para sa mga debotong naghihintay na makahalik sa imahe ng Itim na Nazareno.

Kahapon lamang ay nagsagawa ng prusisyon ng replika ng itim na Nazareno at kagabi ay dinala na ang imahe sa Qurino Granstand at ipinuwesto sa dati nitong kinalalagyan tuwing may pahalik.

Kaugnay nito, todo bantay na rin ang mga kapulisan sa paligid ng Quirino Grandstand para mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga deboto na patuloy na dumaragsa hanggang sa kasalukuyan.

Katuwang din ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapanatili ng kaayusan ng pila ng mga deboto kung saan naglagay na rin sila ng steel barrier.

Magkakaroon din ng vigil mamayang alas 7:00 ng gabi at bukas bago ang traslacion ng Poon pabalik ng Quiapo church ay magkakaroon muna ng banal na misa bukas ng umaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply