Libreng linis ng septic tank, handog ng Maynilad sa mga taga-QC

MAGSASAGAWA ngayong Enero, ang Maynilad ng libreng paglilinis ng septic tank sa mga customers nito sa ilang lugar sa Quezon City , Caloocan, Valenzuela, Malabon at Navotas .

Maaaring makakuha ng libreng serbisyong ito ang mga Maynilad customers sa Brgys. Doña Aurora, Sto. Niño, Katipunan, San Jose at Del Monte sa QC at barangays 1 to 5 sa Sangandaan Caloocan City, Brgys. Paso De Blas, Malanday at Rincon sa Valenzuela City; Brgys. Maysilo, Catmon, Baritan, Bayan-bayanan at Niugan sa Malabon City; at Brgys. San Rafael at Bangkulasi sa Navotas City . Ang septic tank cleaning ay normal na may halagang P2,500 per truck.

“Aside from protecting the health of their family and community, they also help protect the environment,” pahayag ni Maynilad President Victorico P. Vargas.

Ang mga customer ng Maynilad na interesado sa benepisyong ito ay maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 para sa kaukulang detalye.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply