Libu-libong pamilya sa Davao City, apektado ng malawakang pagbaha

flood

UMABOT na sa mahigit 5,100 pamilya ang apektado ng malawakang pagbaha sa Davao City bunsod ng walang tigil na ulan.

Sa huling update ng National Disaster Risk Reduction and Management Counci (NDRRMC) umapaw din ang Davao River kaya’t 12 barangay ang nalubog sa tubig.

Ayon sa Davao City Public Safety Command Center, Sabado nang magsimulang umulan sa lungsod.

Umapela naman si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga private group at ilang idibidwal lalo ang mga rescue equipment na tumulong na sa paglilikas ng libu-libong residente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply