Liga Marikina 2013 Inter-Barangay Sports Festival sa Marso 3 na

UPANG mabigyan ng alternatibong mapaglilibangan ang mga kabataan ngayong nalalapit na bakasyon, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat ng kabataan sa lungsod na lumahok sa bubuksang Liga Marikina 2013 Inter-Barangay Sports Festival sa ika-3 ng Marso sa Marikina Sports Park.

Layunin ng Liga Marikina na makadiskubre ng mga atleta na may angking galing at husay sa larangan ng palakasan na maaaring hubugin at magbigay ng karangalan sa lungsod sa darating na panahon.

Inaasahan ang partisipasyon at paglahok ng may 1,000 kabataan mula sa 16 na barangay ng Marikina na maglalaban sa iba’t ibang palakasan. Ito ay sa larangan ng Basketball (Women’s, Midgets, Juniors, at Seniors); Volleyball (Men at Women’s division na ipinanganak noong 1992 pataas); Chess (ipinanganak noong 1988 pataas); Badminton (ipinanganak noong 1988 pataas); at Table Tennis (ipinanganak noong 1988 pataas).

“Maaga na tayong nag-iimbita sa ating mga kababayan para makilahok sa ligang ito. Mas makabubuting gugugulin nila ang kanilang oras sa mas kapaki-pakinabang na bagay tulad ng pagsali sa ganitong liga. Bukod sa mahahasa ang kanilang kakayahan sa palakasang kanilang sasalihan ay magbubukas ito ng oportunidad na maaaring makatulong sa kanilang magandang hinaharap. Higit sa lahat, makakaiwas din sila sa bisyo,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Bukod sa karangalang maihahatid sa kanilang barangay, ang mga mananalo ay tatanggap ng tropeyo at medalya.

Ang mga nais lumahok at mayroong katanungan tungkol sa Liga Marikina ay maaaring makipag-ugnayan sa kanila-kanilang barangay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply