LIGAL NA GOONS SA AMADEO AT MGA UMEPAL KAY NICOLE

burdado- jun briones

TULOY ang kwento sa personal kong karanasan sa bayan ng Amadeo, Cavite.

Hindi tayo naniwala sa sumbong na mistulang ligal na goons ang mga tauhan ni Mayor Benjo Villanueva, dahil palaging nakasukbit ang mga ito ng .45, kaya pumasyal tayo sa lugar kung saan tumatambay ang mga goon, este, tauhan ni Mayor Benjo.

Ayun, naispatan natin ang dalawang naghuhuntahan. Pero mali, parekoy, ang sumbong . .. dahil ang nakita natin ay hindi .45 ang mga nakasukbit.

Sa tingin ko eh, 5 na lang ang nakasukbit dahil nasa 40 na ang nakausli!

Tangna  naman  ‘yang mga goons, este, tauhan mo, yorme, parang mga langaw!

Na nakapamewang pa sa likod ng kalabaw! Pwe!

Sandali lang, Mayor Benjo, bakit mukhang mga adik ang mga lintek na ‘yan? Hindi bagay sa kanila ang magsukbit ng baril, dahil mas mukhang sanay umikip ng “pipe” ang mga hinayupak! Hak, hak, hak!

Dina-jamming mo ba sila ng madalas, yorme? Aba eh, pagsabihan mo naman na tumino kahit konti. Dahil ang sumbong ng mga residente, eh, parang nagka-phobia na sila sa putukan ng baril simula nang umupo ka r’yan sa Amadeo!

Sabagay, mahirap nga namang patinuin ang mga bata kung ang nakikita sa kanilang tatay ay higit pang kabalbalan!

Kamakailan lang ay may naganap sa Kawit na kahindik-hindik na krimen nang basta na lamang namaril ang isang adik na may licensed na baril!

‘Yan bang mga tauhan mo, Mayor Benjo, ay lisensyado ang mga baril, ha? Pati ba ikaw ay lisensyado ang mga baril? Nakupow!!!

-o0o-

ANDAMING umepal, parekoy, sa kamatayan ni Nicole, ang batang taga-Malaria, Caloocan City na namatay noong New Year dahil sa ligaw na bala.

Dahil nakikidalamhati tayo sa pagkamatay ng batang si Nicole, kaya nabubwisit na tayo sa kaepalan na ipinakikita ng ilang politiko, pulis at mga pribadong indibidwal na kung umasta ang mga hinayupak akala mo, eh, nakapagbigay ng limos sa biktima kahit kusing!

Pupusta tayo, parekoy, walang kahihinatnan ‘yang pa-triangulate-triangulate na ‘yan!

Sayang lang ang pera, effort at kaepalan na ginugugol!

Tulungan na lang ninyo ang pamilya ng biktima at sa susunod ay pag-ibayuhin ang police operation para wala nang Nicole na mabibiktima pa!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply