Livelihood assistance, ipagkakaloob sa mga mangingisda, magsasaka

money

MULING naglaan ang Kagawaran ng Department of Labor and Employment o DOLE-1 ng aabot sa P16 milyong tulong pinansiyal para sa pangkat ng mga mangingisda sa rehiyon uno ngayong taon.

Ang mga grupo ng mga mangingisda, kabataan, kababaihan, Overseas Filipino Workers, manggagawa, tricycle operators at drayber, may kapansanan at mahihirap ay napabilang din upang makinabang sa “livelihood program” ng ahensiya kung saan may kabuuang 2,816 bilang ng mga benepisyaryo, ayon kay DOLE-1 Information Officer Arly Sta. Ana-Valdez.

Aniya, ang ipagkakaloob na pinansiyal ay gagamitin para sa pagbili ng mga kasangkapan na kailangan nila upang mapabuti ang kanilang pamumuhay at kita mula sa pagtatrabaho

Ito rin ay gagamitin sa kanilang pagsasanay upang matiyak at masuportahan sila sa pagsasagawa ng mga proyektong pangkabuhayan na matutukoy at aaprubahan ng DOLE-1.

Ayon kay DOLE Regional Director Grace Y. Ursua, nagmumula sa maraming komunidad ang naaabot ng “DOLE livelihood program,” at maaari pang mapadami ang mga “marginalized sectors,” lokal na pamahalaan, ahensiya ng pamahalaan at iba pang sektor na maaaring maging katuwang para sa adhikain ng pamahalaang makalikha ng trabaho at mabawasan ang kahirapan.

“Bawat isa ay kinakailangang makiisa sa mga gawaing ito na tungo sa dalawang layunin ng kasalukuyang administrasyon. Walang sinuman ang hindi kabilang at maiiwan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga wastong pangkabuhayang proyekto sa mga benepisyaryo, ipinapaubaya na rin natin sa kanila na tulungan ang gobyerno na lumikha ng pagkukunan ng pangunahing pangangailangan at oportunidad sa trabaho na pangmatagalan, dagdag pa niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply