Lola ipinabitbit ang shabu sa apo, tiklo

behind-bars-3

SWAK sa kulungan ang isang lola nang mabuko na ipinabitbit nito sa kanyang sariling apo ang droga na para sa kanyang presong kamag-anak sa Tacloban City Jail (TCJ) kaninang umaga (Enero 31).

Kinasuhan na rin agad ng possession of illegal drugs ang suspect na si Sucan Pajayajay, 59-anyos, residente ng Barangay 69, Anibong, Tacloban City at ngayon ay nakakulong na rin sa TCJ.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 9 ng umaga sa mismong gate na pasukan ng mga bibisita sa Tacloban City Jail.

Bago ito, isinama ng suspect ang kanyang apo na hindi pinangalan sa TCJ para dalawin ang kanyang kamag-anak na preso.

Pero nang kapkapan na si Pajayajay at maging ang apo nito ay napansin ng mga jailguards na may hawak ang bata na kulay brown na pitaka ng kanyang lola.

Kinutuban, tinignan ng naturang jailguard ang laman ng pitaka at bumulaga sa kanya ang isang sachet ng shabu na nakahalo sa nakabilot na perang papel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply