Lola na lider ng drug group timbog sa PDEA

behind bars

NASAKOTE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 61-anyos na lola na lider ng isang drug group sa Cebu.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr. ang nahuli na si Pedita Abellana, 61 at residente sa Magsaysay Street, Barangay Suba, Cebu City.

Si Abella ay kasama sa priority target-listed drug personality ng ahensya at sinasabing pinuno ng Abellana Drug Group na responsable sa pagkakalat ng illegal drugs sa Barangay Suba at karatig munisipalidad.

Sa ikinasang operasyon, nasamsam kay Abellana ang dalawang sachet ng shabu na may bigat na dalawang gramo.

Sa hiwalay na drug bust sa Purok 3 Mabini Santiago City, Isabela, nadakip ng PDEA ang isang tricycle driver na lider din ng drug group.

Kinilala ang nahuli na si Rolando Dela Cruz, alyas Boyet, 36.

Nakuha kay Boyet ang may siyam na sachet ng shabu at P1000 marked money na ginamit sa operasyon.

Sina Abellana, Dela Cruz ay kapwa kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply