Lola nakamatayan ang paghihintay sa pamilya

PATAY na nang maabutan ng mga anak ang isang lola na nakatakda sana nilang sunduin sa Binondo, Maynila kaninang umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktima na inilarawang nasa edad 50 hanggang 60 anyos at nakasuot ng kulay sky blue na T-shirt at pink na palda.

Sa report ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 11:00 ng tanghali nang matagpuang patay ang biktima sa kanto ng Nueve Del Banco National at Quintin Paredes sts. sa Binondo, Manila.

Sa pahayag ni Manule Mendez, barangay tanod ng Brgy 291 Zone 24, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-6:00 ng umaga. Ayon kay Mendez, nakaupo lamang ang biktima sa bangketa, malungkot at tila may hinihintay.

Ilang nagmamalasakit din aniya ang nagbigay ng pagkain sa biktima subalit hindi man lamang ito ginalaw ng lola.

Ayon kay Bautista, dumating ang biktima sa nasabing barangay noong Enero 10 matapos umanong maglayas sa kanilang bahay.

Hinala ni Bautista na hindi nito nakayanan ang katawan ng hindi kumakain ng halos apat na araw sa kahihintay sa kanyang mga kamag-anak na posibleng susundo sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply