Lolo arestado sa pananaksak

kulong-1

ARESTADO ang isang 73-anyos na lolo makaraang saksakin ang isang binata sa Malibay, Pasay City.

Kinilala ni SPO1 Roy Ramos ang suspek na si Eliseo Villabare, residente ng #10 Pagasa St., Malibay ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon, dakong ala-una kahapon ng hapon nang maganap ang insidente sa Flores St, Malibay.

Nabatid na naglalaro ang biktima na si Mark Tenete, 28, residente ng Pagasa, ng tong-its sa kalsada nang makatalo ang suspek hinggil sa nakaaabalang inuupuang canvass.

Sa kalagitnaan ng mainitang pagtatalo ay kinuha ng suspek ang patalim na nakasuksok sa nakaparadang tricycle at itinarak sa tagiliran ng biktima.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang pananaksak habang isinugod naman ang biktima sa Pasay City General Hospital kung saan ito nilalapatan nayon ng lunas.

Nasakote ng mga rumurondang barangay tanod ang suspek nang magbalik ito sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply