Lolo inararo ng SUV sa La Union patay

accident

LA UNION – Dead-on-arrival sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang 68-anyos na lalaki matapos araruhin ng SUV sa national highway sa Barangay Calumbaya, Bauang, La Union kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Claro Barnachea, ng Barangay Nagrebcan ng nasabing lalawigan.

Samantala, ang driver ng SUV ay nakilalang si George Soriano, 44, ng Barangay Lioac Norte, Naguillan, La Union.

Ayon sa paunang report, binabagtas ng driver ang kahabaan ng Nagrebcan highway nang biglang tumawid ang matanda.

Huli na ang pagpreno ng driver dahil sa biglang pagsulpot ng biktima, agad nitong ikinamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply