Lolo minartilyo sa ulo, dedo

bangkay-2

NABUTAS ang noo ng isang lolo matapos hatawin ng martilyo ng kanyang tauhan sa konstruksyon na sinuba nito sa bayad sa Digos City nitong Miyerkules ng gabi (Enero 2).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo ang biktimang si Reggie Jacosalem, 60-anyos, may-asawa at residente ng Mabini-Bataan Streets, Digos City.

Nahuli naman agad ni P02 Abraham Tonoman na nakatalaga sa Digos Public Terminal ang pasakay sa bus na suspek na si Christome Endar, 22-anyos, binata at residente ng Purok Durian, Binaton, Digos City nang makitang may bahid ng dugo ang kanyang damit .

Sa ulat, naganap ang krimen dakong alas 6:30 nitong Miyerkules ng gabi sa bahay ng biktima.

Bago ito, sa hindi malamang dahilan ay hindi naibigay ng biktima ang lingguhang suweldo ng suspect kaya sa sama ng loob ay minartilyo nito sa ulo habang natutulog ang matanda at saka tumakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply